Saliuga de Spartacus Eagles Club, katuwang ng Catmon MPS sa relief operation sa Compostela, Cebu

0
viber_image_2025-11-17_16-53-11-544

Masigasig na nakiisa ang mga kasapi ng Saliuga de Spartacus Eagles Club sa isinagawang relief operation para sa mga nasalantan ng mga nakaraang bagyo sa Brgy. Mulao, Compostela, Cebu nitong November 16, 2025.

Ang grupo ay naghatid ng mga food items sa mga residente sa nasabing barangay sa Compostela, Cebu na isa sa mga lubos na naapektuhan nang nakaraang Bagyong Tino at Bagyong Uwan.

Ngiti at kasiyahan ang handog ng grupo sa mga pamilya at indibidwal na nabigyan ng kaunting tulong matapos manalasa ang nasabing nga bagyo.

Siniguro naman ng Catmon MPS, na ligtas na maipaabot ng grupo ang kanilang mga dalang tulong hanggang sa pamamahagi nito sa iba’t ibang mga residente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *