RMFB 15, katuwang ng San Juan LGU at ibang mga ahensya sa paghubog sa mga kamalayan ng mga kabataan
Hindi maipinta sa mga ngiti ng mga kabataan ng Quidaoen National High School, Brgy. Quidaoen, San Juan, Abra ang kanilang galak matapos nilang lumahok sa Youth Development Session (YDS) noong Nobyembre 21–23, 2025 na inisyatiba ng 1504th Mobile Company ng Regional Mobile Force Battalion 15 (RMFB 15) sa pamumuno ni PCpt Randy P. Gallardo.

Katuwang ang San Juan LGU sa pangunguna ni Mayor Ari Lucas B. Bautista, DSWD, MSWD, Municipal Health Office, San Juan MPS, mga guro ng paaralan, at barangay officials, matagumpay na naisakatuparan ang nasabing programa.

Sa loob ng tatlong araw, sumailalim ang mga kabataan sa iba’t ibang lecture hinggil sa mental health, stress management, career pathing, responsible decision-making, at anti-illegal drugs at anti-terrorism awareness. Lumahok din sila sa Sulat Kamay Signature Campaign bilang panata sa kapayapaan at mabuting pamumuhay. Nagkaroon din ng team-building activities upang mapaigting ang pagkakaisa, pagtutulungan, at tiwala sa isa’t isa.

Ang YDS ay isang mahalagang hakbang upang hubugin ang tatag at malasakit ng mga kabataan sa San Juan, na ngayon ay mas may tapang at kaalaman na harapin ang hinaharap sa tulong ng RMFB 15.
SOURCE: PCADG Cordillera and https://www.facebook.com/share/p/18wJXdgaJy/?mibextid=wwXIfr