“Run to End VAW” Fun Run, isinagawa sa CDO

0
584372099_25100121169648118_604201066481408429_n

Matagumpay na isinagawa ang “Run to End VAW” Fun Run para sa 18-Day Campaign to End Violence Against Women sa Cagayan de Oro City nito lamang ika-25 ng Nobyembre 2025.

Layon nitong palakasin ang adbokasiya laban sa karahasan at ipakita ang suporta ng komunidad sa pagtatanggol sa karapatan ng kababaihan.

Dinaluhan ang aktibidad ng mga kinatawan mula sa lokal na pamahalaan, kabataan, women’s groups, at uniformed personnel.

Sama-sama silang tumakbo bilang simbolo ng pagkakaisa at paninindigan laban sa anumang uri ng pang-aabuso at diskriminasyon sa kababaihan at kabataang babae.

Kasunod ng kickoff run, maglulunsad pa ang lungsod ng iba’t ibang programa at advocacy events sa loob ng 18 araw upang patuloy na itaas ang kamalayan ng publiko at isulong ang isang ligtas, pantay, at violence-free na komunidad para sa lahat ng kababaihan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *