MMDA, katuwang ng PNP sa pagpapanatili ng kaayusan sa Trillion Peso March 2.0

0
Screenshot 2025-11-30 143807

Isa ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga ahensya ng gobyerno na doble ang ginawang paghahanda para siguruhin ang kaayusan ng kasalukuyang isinasagawang Trillion Peso March 2.0 sa Maynila.

Katuwang ang Pambansang Pulisya, sila ay aktibo sa pagpapanatili ng kaayusan sa daloy ng trapiko lalo na sa mga matataong lugar na dinagsa ng mga kalahok sa pagtitipon.

Ipinatupad nila kaninang madaling araw ang traffic rerouting scheme upang tiyakin ang tuloy-tuloy na daloy ng trapiko. Nananawagan sila sa mga motorista na piliin ang mga alternatibong daanan, at iwasan ang mga lugar sa may bandang EDSA-Ortigas, EDSA-Santolan, Northbound EDSA, at EDSA-Connecticut Southbound, para hindi maantala ang kanilang biyahe.

Patuloy ang isinasagawang monitoring at koordinasyon sa pagitan ng PNP at MMDA upang masiguro ang kaligtasan ng publiko habang isinasagawa ang demonstrasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *