Mag-aaral ng nakilahok sa Drug Awareness Lecture

0
590346466_893275289690702_7452842183658536681_n

Aktibong nakilahok ang mga mag-aaral ng Banga Elementary School sa isinagawang Awareness Lecture ng mga tauhan Meycauayan PNP sa Brgy. Banga, Meycauayan City, Bulacan, nito lamang Martes , ika-2 ng Disyembre 2025.

Pinangunahan ito ni PCMS Marrian Dacutanan, CCAD PNCO sa ilalim ng pamumuno ni PLTCOL MELVIN M FLORIDA JR. Hepe ng naturang istasyon.

Nagbahagi ng kaalaman ang kapulisan sa mga mag-aaral tungkol sa iba’t ibang klase ng droga, mga masamang epekto nito sa kalusugan, at ang mga parusang kahaharapin ng sinumang mahuhuling gumagamit o nagbebenta ng ipinagbabawal na gamot.

Layunin ng programang ito na hikayatin ang mga kabataan na umiwas sa anumang uri ng droga upang mapangalagaan ang kanilang kalusugan at kinabukasan.

Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Pambansang Pulisya sa mga paaralan upang magbigay ng impormasyon sa mga kabataan tungkol sa mga programa ng pamahalaan, kabilang ang pagpapalakas ng kampanya laban sa ilegal na droga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *