Community Outreach Program, naghatid ng serbisyo at saya sa Calinog, Iloilo

0
viber_image_2025-12-07_13-21-03-577

Sa isang makabuluhang pagtutulungan, naghatid ng saya ang isinakatuparang community outreach program ng mga pinagsamang grupo mula sa 602nd Company, Regional Mobile Force Battalion 6 (RMFB6) katuwang ang The Byne Memorial Baptist Church at si Dr. Katrina Angela E. Say nito lamang ika-6 ng Decembre 2025.

Mahigit 30 batang mag-aaral ng Toyungan Day Care Center ang naging benepisyaryo ng naturang aktibidad sa Brgy. Toyungan, Calinog, Iloilo.

Sa naturang aktibidad, nagsagawa ang grupo ng gift-giving program, masustansyang feeding session, at dental fluoride application upang mapalakas ang kalusugan at kabuuang kapakanan ng mga bata.

Ipinakita rin ng kolaborasyon ang kahalagahan ng pagkakaisa ng mga awtordidad, pribadong sektor, faith-based organization, at medical professionals para makapaghatid ng tunay na malasakit sa komunidad.

Ibinida naman ni PCpt Donald Roe G Linaza, 1st Platoon Leader ng 602nd Company, RMFB6, na ang ganitong adbokasiya ay mahalagang bahagi ng kanilang misyon na patibayin ang relasyon sa mamamayan, lalo na sa kabataan.

Lubos namang ikinagalak ng mga bata at kanilang mga magulang ang programa, at nagpahayag sila ng pasasalamat sa 602nd Company, RMFB6, The Byne Memorial Baptist Church, at kay Dr. Say sa ipinamalas na malasakit at kabutihang-loob.

Ang nasabing aktibidad ay patunay na kapag nagkakaisa ang pamahalaan at pribadong sektor, nagkakaroon ng mas malalim at positibong epekto sa mga pamayanang pinaka-nangangailangan.

Patuloy namang nangakong magsasagawa ang 602nd Company, RMFB6 ng mga katulad na inisyatiba upang isulong ang kapayapaan, seguridad, at kalusugan ng mga residente sa kanilang Area of Responsibility—isang hakbang tungo sa mas matatag, mas maunlad, at mas mapagkalingang komunidad.

Source: RMFB Six Pathfinder FB Page

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *