PNP Bohol, bahagi sa 27th Thanksgiving Celebration ng Liberty Bible Baptist Church sa Panglao, Bohol
Nakiisa ang mga tauhan ng Bohol PPO sa selebrasyon ng ika-27 Thanksgiving Celebration ng Liberty Bible Baptist Church na ginanap sa Lourdes, Panglao, Bohol nito lamang araw, December 7, 2025, bandang alas 9 ng umaga.
Ang naturang pakikiisa ng PNP Bohol sa pangunguna ni PLtCol Judy Mar F Bonilla, DPDA, Bohol PPO bilang kinatawan ni PCol Patricio C Degay Jr, PD, Bohol PPO, ay nagpapakita ng matibay na ugnayan ng kapulisan at ng Faith-based advocacy groups bilang mga katuwang sa pagpapanatili ng maayos, payapa at progresibong komunidad.
Kabilang din sa mga dumalo sa naturang selebrasyon ang mga local officials, at iba pang mga miyembro ng law enforcement agencies at mga residente na mainit na nakiisa sa taunang selebrasyon kasama ang mga church members.
Nagtapos ang selebrasyon ng makabuluhan kung saan pinatunayan ng lahat ng mga dumalo na hindi hadlang ang pagkakaiba ng kultura at paniniwala sa isang pamayanan na nagkakaisa at nagtutulungan para sa kapayapaan at kaunlaran.