BPAT Mobilization Seminar, isinakatuparan sa Batad, Iloilo

0
viber_image_2025-12-08_13-56-32-858

Upang mas mapatatag ang ugnayan sa komunidad at mapalakas ang pagpapanatili ng kapayapaan sa mga barangay, nagsagawa ang Batad Municipal Police Station, sa pangunguna ni PCpt John Predic C Padilla, Officer-in-Charge, ng BPAT Mobilization Seminar para sa mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Teams (BPAT) sa Batad, Iloilo, ika-6 ng Decembre 2025.


‎Layunin ng nasabing seminar na paigtingin ang community-based policing at ihanda ang BPAT sa mas epektibong pagtugon sa mga pangangailangan ng kanilang mga barangay.


‎Bilang mga force multipliers ng kapulisan, binigyang-diin sa talakayan ang malaking papel ng BPAT sa pagpapanatili ng kaayusan—mula sa pagsubaybay sa sitwasyon ng seguridad, pakikilahok sa mga programa ng PNP, hanggang sa pakikipagtulungan sa mga residente upang mapanatili ang katahimikan sa kanilang lugar.


‎Bilang pagkilala sa kanilang walang sawang serbisyo at dedikasyon, namahagi rin ang Batad PNP ng food packs sa mga kalahok. Bahagi ito ng yuletide outreach ng kapulisan at patunay ng matibay na pakikipag-ugnayan nito sa mga katuwang sa komunidad, lalo na sa mga BPAT na patuloy na nagbibigay ng kanilang panahon at lakas para sa kapakanan ng publiko.


‎Sa pagkakaisa ng PNP at BPAT, mas nagiging ligtas, handa, at matatag ang bawat barangay—tungo sa isang mas payapang komunidad para sa lahat.


‎Source: Batad PNP FB Page

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *