Kabataang Cagayano, pinatibay ang diwa ng pagkamakabayan sa KKDAT Provincial Mural Painting Competition 2025

0
600316095_1187608723554090_6938295555150179088_n

Isinagawa ang KKDAT Provincial Mural Painting Competition 2025, isang inisyatibo ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) sa pakikipagtulungan ng KKDAT Cagayan at ng Cagayan Police Provincial Office na may temang “Bagong Kabataan: Bayaning Magtatanggol sa Karagatan” na naglalayong palakasin ang kamalayan ng kabataan sa kahalagahan ng pagtatanggol sa teritoryo ng bansa, partikular sa West Philippine Sea.

Kalahok sa kompetisyon ang KKDAT officers at miyembro nito mula sa lahat ng 29 police stations ng Cagayan PPO, na nagpapakita ng malawakang pakikiisa at pagtutulungan sa paghubog ng responsableng kabataan.

Ang nasabing aktibidad ay mahalaga upang bigyang kapangyarihan ang kabataan bilang modernong bayani ng ating teritoryo, gamit ang sining bilang mabisang paraan ng pagpapahayag ng pagmamahal sa bayan at pagkamakabayan.

Ang KKDAT Provincial Mural Painting Competition 2025 ay bahagi ng patuloy na inisyatibo ng KKDAT at Cagayan PPO na itaguyod ang aktibong partisipasyon ng kabataan sa mga adbokasiya para sa kapayapaan, kaayusan, at pambansang kaunlaran, habang pinapalakas ang ugnayan at kooperasyon sa pagitan ng pamahalaan at mga kabataan.

Ayon kay Provincial Director PCol Mardito G Anguluan, layunin ng kompetisyon na hikayatin ang kabataan na lumayo sa masasamang bisyo at maling impluwensya, at sabay na ipakita ang kanilang pagmamahal sa bayan at pakikiisa sa mga adhikain para sa kapayapaan at pambansang kaunlaran. “Ang kabataan ang pag-asa ng ating bayan. Sa pamamagitan ng sining, naipapahayag nila ang kanilang patriotismo at pakikiisa sa pagtatanggol sa karagatan at teritoryo ng Pilipinas,” ani PD Anguluan.

Pinangunahan ng KKDAT President na si William Furigay ang programa at dumalo din sa nsasabing aktibidad ang Acting Regional Director for Operation ng National Intelligence Coordinating Agency na si Mr. Rey Addatu.

Source: Cagayan Police Provincial Office – Cagayano COPS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *