Barangay Tanod at BADAC Skill Enhancement Seminar, isinagawa ng Sta. Maria PNP

0
602329860_882597974271811_2521564458792027087_n

Nagsagawa ang mga tauhan ng Sta Maria Police Station na pinangunahan ni PCpt Caezar A Miranda, Admin/MCAD PCO, sa ilalim ng pangangasiwa ni PLtCol Mark Louie M Sigua, Acting Chief of Police, ng Skills Enhancement Seminar para sa mga Barangay Tanod at mga miyembro ng Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) ng Barangay San Vicente, Santa Maria, Bulacan, na pinamumunuan ni Hon. Potenciano Lorenzo bandang 2:00 ng hapon ng Disyembre 21, 2025.

Sa isinagawang aktibidad, tinalakay ni PCpt Miranda ang mahahalagang probisyon ng Katarungang Pambarangay at ang mga tungkulin at responsibilidad ng mga Barangay Tanod upang higit pang mapaigting ang kaalaman at kakayahan ng mga kalahok sa epektibong pagtupad ng kanilang mga gawain.

Samantala, nagbigay naman ng lektyur si PSSg Laila Jane Mabatas hinggil sa Barangay Drug Clearing Program (BDCP).

Source: Bulacan Police Provincial Office FB Page

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *