NOrPPO SWIM: Seeking Counsel Through Wisdom and Faith

0
viber_image_2026-01-05_16-51-13-176

Mismong si Rev. Pastor Antonio Rodriguez, PNP-MOST Life Coach ang nanguna sa regular Squad Weekly Interactive Meeting (SWIM) ng Negros Oriental Police Provincial Office (NOrPPO) sa ilalim ng pamumuno ni PCol Criscente C Tiguelo, OIC, Provincial Director, na ginanap sa NOrPPO Chapel.

Ang naturang SWIM ay nakasentro sa temang “Counsel,” na makikita sa Proverbs 1:5:
“Let the wise hear and increase in learning, and the one who understands obtain guidance.”

Binigyang pansin ni Pastor Rodriguez ang kahalagahan ng pagkakaroon ng maayos na gabay, at maging bukas sa mga paalala at mga aral ng ating Panginoon. Paalala pa niya na kung ang lahat ng ating ginagawa ay naaayon sa maayos na desisyong pang moral, integridad ay magiging epektibo tayo sa ating mga personala t propesyunal na mga buhay.

Kabilang sa mga dumalo sa nasabing SWIM ang mga uniformed at non-uniformed personnel ng NOrPPO, na nakiisa sa pagpapalakas ng spiritual, moral, at emotional well-being ng bawat kapulisan alinsunod sa PNP’s Moral and Spiritual Transformation Program.

Ang aktibidad ay nagpapakita ng patuloy na pagtupad ng NOrPPO sa kanilang tungkulin nang may takot at paniniwala sa Diyos bilang sandigan ng ating buhay at ating dakilang tagalikha.

Layunin din ng nasabing aktibidad na mas maging epektibo pa ang hanay sa pagkakaroon ng spiritual growth, ethical leadership, at pagkakaroon ng resilient character ng lahat ng mga kasapi para magpatupad ng batas alinsunod sa PNP core values na Service, Honor, at Justice.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *