Mga awtoridad, sama-samang tinugunan ang Epekto ng Shear Line sa Eastern Visayas

0
viber_image_2026-01-06_14-48-25-441

Sama-samang tumugon ang mga awtoridad sa nakalipas na dalawang araw, bunsod ng epekto mg shear line weather disturbance na nagdulot ng pagbaha sa iba’t ibang bahagi ng Eastern Visayas.

Sa pangunguna ng mga tauhan ng PNP Region 8 sa pamumuno ni PBGEN JASON L CAPOY, Regional Director, tiniyak ng Police Regional Office 8 (PRO-8) ang kaligtasan ng publiko at nilimitahan ang posibleng pinsala dulot ng pag-apaw ng tubig mula January 3-4, 2026.

Sa pamamagitan ng mahigpit na koordinasyon sa Bureau of Fire Protection (BFP), mga lokal na pamahalaan (LGUs), Municipal Disaster Risk Reduction and Management Offices (MDRRMOs), at iba pang ahensya ng gobyerno, matagumpay na isinakatuparan ang iba’t ibang mga inisyatibo upang siguruhin ang kaligtasan ng publiko.

Kabilang sa isinagawa ng grupo ang iba’t ibang operasyon gaya ng evacuation, water level monitoring, bandilyo, monitoring sa mga landslide-prone areas, clearing operations, at iba pa upang masiguro ang kaligtasan ng bawat mamamayan.

Sa kasalukuyan, bagamat bumuti na ang lagay ng panahon, nananatiling mataas ang antas ng kahandaan ng mga awtoridad na ipinapaalala sa publiko na patuloy na subaybayan ang mga ulat mula sa DOST at PAGASA at higit sa lahat sundin ang mga tagubilin ng mga awtoridad upang mapanatili ang kaligtasan ng lahat.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *