NOrPPO “New Year, New Home, New Hope”: Hatid ng LAB Project at Balay sa Paglaum

0
viber_image_2026-01-05_17-03-47-472

Bago pa man magtapos ang taong 2025, nakatanggap ang pamilya ni Ms. Elsie Catamco, asawa ng namayapang dating Barangay Kagawad na si Tirso “Boy” Molina, kasama anb apat pa niyang mga anak ng napakahalagang regalo mula sa mga tauhan ng Bohol PPO at Bohol Provincial Government.

Mula ng namayapa si Kagawad Boy, lubos na naghirap ang kanilang pamilya na mas pinalala pa ng nakaraang Typhoon Odette. Kung saan nasira ang kanilang tahanan.

Itinaguyod mag-isa ni Elsie ang kanilang mga anak sa pamamagitan ng kanyang trabaho na household helper sa Tagbilaran City, para lamang sa kanilang mga pang-araw-araw na pangangailangan.

Kaya naman ang PNP Bohol sa pangunguna ni PCOL PATRICIO C DEGAY JR., Provincial Director, ay napili sila bilang benepisyaryo ng kanilang programa na Libreng Alagad ug Balay (LAB) Project, katuwang ang “Balay sa Paglaum” initiative ni Bohol Governor Erico Aristotle “Aris” Aumentado at Congresswoman Vanessa “Van-van” Aumentado, kung saan pinagkalooban ang nasabing pamilya ng bagong tahanan.

Sa pagtutulungan ng pulisya at ng Lokal na pamahalaan naging posible ang pagbibigay ng maayos na tahanan kina Ms Elsie at ng kaniyang mga anak na matagal ng nagtiis sa kanilang nasirang tahanan bunsod ng nakaraang kalamidad.

Tunay ngang New Year, New Home at New Hope.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *