Governor Aumentado, pinasalamatan ang PNP Region 7 sa suporta nito sa Programang “Balay sa Paglaum”
Screenshot
Taos-pusong pinasalamatan ni Governor Erico Aris Aumentado ng Bohol Province ang buong pamunuan ng PNP Region 7 sa ilalim ng pangangasiwa ni PBGEN Redrico Maranan, Regional Director sa walang sawang suporta nito sa programang House of Hope o Balay sa Paglaum sa probinsya ng Bohol.

Ang Balay sa Paglaum ay personal na adbokasiya na inilunsad ni Gov. Erico Aris Aumentado katuwang si Congresswoman Van-van Cadorna Aumentado na ipinatupad katuwang ang Philippine National Police sa pamamagitan ng Bohol Police Provincial Office sa ilalom ng kanilang programang Free House Servant.

Layunin nitong makapaghandog ng maayos na tahanan para sa mga lubos na nangangailangang residente sa buong lalawigan ng Bohol.
Ipinaabot ni Governor ang nasabing pasasalamat kasabay ng turnover ceremony ng ika 102nd na bahay sa Barangay Tanday, Baclayon, Bohol.