viber_image_2026-01-27_10-23-17-458

Lubos nq nagpapasalamat ang Biliran Police Station sa tulong ng sponsor nito na si Maám Snyder Palconit Marilyn, dahil nakapamahagi sila ng libreng helmet sa mga motoristang walang kakayahang bumili nito sa bayan ng Biliran, Biliran.

Ika nga “Not all checkpoints carry fines.” Sa halip na citation, ang ilang motoristang walang helmet ay nakatanggap ng pagmamalasakit, isang libreng helmet, at isang paalala na mahalaga ang bawat buhay.

Ang programang ito ay hindi lamang para sa kaayusan ng trapiko, kundi higit sa lahat, para sa kaligtasan sa kalsada.

Taos-puso namang pinapaalalahanan ng mga awtoridad ang lahat ng motorista na magsuot ng helmet sa tuwing magbibiyahe, malapit man o malayo. Isang simpleng pagsuot ng helmet ay maaaring magligtas ng buhay.

Saad pa nila ay huwag pong kalimutan na may mga mahal sa buhay na naghihintay sa kanilang ligtas na pag-uwi.

Lubos na nagpapasalamat ang Biliran Police Station sa lahat ng mga stakeholders nito maging ng buong komunidad sa kanilang kooperasyon at pakikiisa para sa isang ligtas at mapayapang Biliran.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *