Iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, nakiisa sa One-Stop Shop kasabay ng selebrasyon ng PNP Day sa Region 6

0
1d951568-d01d-4555-8724-383048fd7ee4

Aktibong nakibahagi ang iba’t ibang ahensya sa isinakatuparang na One- Stop program bilanv pakikiisa sa selebrasyon ng PNP Day 2026 ng Police Regional Office 6 (PRO6) nito lamang January 27, 2026 na ginanap sa PRO6 Multi-Purpose Hall, Camp Martin Teofilo B Delgado, Fort San Pedro, Iloilo City.

Layunin ng nasabing programa na idulog sa lahat ng mga PNP personnel sa rehiyn maging ng kanilang mga dependents ang lahat ng mga pangunahing government services upang hindi na sila mahirapan pang magproseso sa mga ito.

Tinatayang daan-daan ng mga tauhan at kanilang mga dependent ang matagumpay na nag-avail sa nasabing mga serbisyo, kung saan inacommodate ang lahat ng mga dumulog sa kani-kanilang mga opisina.

Kabilang sa mga ahensyang nakiisa ang Professional Regulation Commission (PRC) para sa License at ID issuance/renewal; Philippine Statistics Authority (PSA) – Civil Registry services and National ID (PhilSys); National Bureau of Investigation (NBI) – NBI Clearance (new and renewal); PhilHealth – Member assistance; Pag-IBIG Fund – Registration and verification; Commission on Elections (COMELEC) – Voter’s registration and record updates; KADIWA ng Pangulo – Affordable basic goods; at ang Philippine National Police – para sa Police Clearance at iba pang mga basic medical services.

Pinangunahan naman ni PCOL VICTORINO E ROMANILLOS JR, Chief, Regional Community Affairs and Development Division (RCADD), ang mainit na pagtanggap sa nasabing mga ahensya
para sa kanilang mahalagang pakikipagtulungan upang makapaghatid ng kani-kanilang mga serbisyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *