PNP at Work Immersion Students, nagkaisa sa School-Based Community Outreach sa Remedios Child Development Center

0
viber_image_2026-01-30_16-51-26-013

Pinagtibay ang matibay na ugnayan sa pagitan ng Philippine National Police (PNP) at sektor ng edukasyon matapos magsagawa ng isang School-Based Community Outreach Program ang mga tauhan ng Regional Mobile Force Battalion 1 (RMFB1), partikular ang 102nd Maneuver Company, katuwang ang mga Work Immersion students ng Cervantes National High School (CNHS) Batch Charlie CL-HERSHEY at Comillas North Integrated School (CNIS) CL-MOKLO sa Remedios Child Development Center ngayong araw, Enero 30, 2026.

Sa ilalim ng pangangasiwa ni PCpt Oliver L. Gaspar, ACC, naging matagumpay ang aktibidad ng aktibong pakikipag-partner ng kapulisan at kabataan sa paghahatid ng makabuluhang serbisyo sa komunidad. Layunin ng programa na palakasin ang kamalayan ng mga mag-aaral sa responsableng pakikilahok sa gawaing pangkomunidad habang isinasabuhay ang diwa ng bolunterismo at malasakit sa kapwa.

Tampok sa outreach ang libreng gupit, pamamahagi ng mga kasuotan, supplemental feeding program, edukasyonal na lektura, at mga palaro para sa mga bata ng child development center. Ang mga Work Immersion students ay aktibong nakilahok sa pagpapatupad ng mga gawain, katuwang ang mga pulis, na nagbigay sa kanila ng konkretong karanasan sa community service at public engagement.

Binigyang-diin ng RMFB1 na ang ganitong uri ng kolaborasyon ay mahalagang hakbang sa pagpapatibay ng tiwala sa pagitan ng kapulisan at ng kabataan. Ayon sa pamunuan, ang maagang paghubog sa mga mag-aaral sa pagpapahalaga sa disiplina, malasakit, at serbisyo ay susi sa paglikha ng isang mas ligtas at nagkakaisang komunidad.

Sa kabuuan, nagsilbing patunay ang aktibidad na ang pagtutulungan ng PNP at mga institusyong pang-edukasyon ay epektibong mekanismo sa pagsusulong ng people-centered policing, kung saan ang kapulisan ay nagsisilbing gabay at katuwang ng kabataan sa pagtataguyod ng kapakanan ng komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *