DOH Wellness Clinic, matagumpay na inilunsad sa Tacloban City

0
viber_image_2026-01-31_12-59-27-187

Matagumpay na inilunsad ang isang Department of Health Welness Clinic na matatagpuan sa Robinsons Place North sa Tacloban City nito lamang January 29, 2026.

Layunin ng nasabing clinic na palawigin pa ang mga programang pang-medikal para sa mga nangangailangan sa lungsod ng Tacloban partikular na sa mga may malubhang karamdaman sa lungsod.

Ang naturang paglulunsad ay dinaluhan ng iba’t ibang mga partner agencies kabilang na ang Philippine National Police sa pangunguna ng Tacloban City PNP sa pamumuno ni PCOL NOELITO A GETIGAN, City Director.

Ang naturang inisyatibo ay tiyak na makapagbigay ng tulong hindi lamang sa mga residente ng Tacloban City kundi pati na rin sa mga karatig-bayan nito para magkaroon ng holistic health and well-being sa pamamagiyan ng maayos na mga serbisyong pangmedikal na hatid ng parehong mga programa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *