Mga awtoridad at iba pang mga ahensya, naghatid ng kanilang mga serbisyo sa One Stop Shop ng PNP NIR

0
viber_image_2026-01-31_14-34-36-294

Matagumpay na nakapaghatid ng kanilang mga pangunahing serbisyo ang iba’t ibang mga awtoridad at ahensya ng pamahalaan sa inilunsad na One Stop Shop Program ng PNP Negros island Region alinsunod sa selebrasyon ng PNP Day nito lamang January 30, 2026 sa NOcPPO Kanlaon Hall, Camp Alfredo M. Montelibano Sr., Bacolod City.

Ang tema ng programa ay “Serbisyong Nararamdaman, Kapulisang Maaasahan,” na may layuning makapaghatid ng serbisyo publiko para sa lahat ng mga dependents ng kapulisan maging sa mga interesadong indibidwal na may nais iproseso sa iba’t ibang mga government agencies.

Ang aktibidad ay naging matagumpay sa pangunguna ni PBGEN ARNOLD THOMAS C IBAY, Regional Director ng PNP NIR na nirepresenta ni PCOL GLENN OLIVER C CINCO, ADRDA, katuwang ang iba pang mga miymbro ng Command Group, Regional Staff, PRO NIR personnel at kanilang mga dependents na dinaluhan naman ng mga representatives mula sa iba’t ibang mga partner agencies.

Kabilang na rito ang mga kasapi ng AFPSLAI, PSSLAI, PSMBFI, PSA, DA, LTO, NBI, PAG-IBIG, PhilHealth, PRC, TESDA, RCSU, HPG, at RMDU, na naghatid ng mg on-site services gaya na lamang ng mga dokumentasyon, benefits processing, licensing, financial assistance, at iba pang mga mahahalagang government services.

Mas pinadali pa ng One Stop Shop ang mga proseso sa pag-avail ng nasabing mga government service kaya marami ang pumunta at nakiisa sa nasabing programa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *