RMFB1 at partner agencies, naglunsad ng outreach program sa La Union sa pagdiriwang ng ika-9 anibersaryo ng SIKLAB DOS

0
viber_image_2026-02-01_12-10-36-235

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-9 na anibersaryo ng Class 2017-01 SIKLAB DOS, aktibong nakiisa ang 103rd Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion 1 (103rd MC, RMFB1) sa isang makabuluhang outreach program na isinagawa sa Barangay Dallangayan Oeste, San Fernando City, La Union noong Enero 31, 2026. Ang gawain ay pinangunahan ni PCpt Johnny G. Fata-ek, ACC, katuwang ang Technical Support Company (TSC), Project A.L.L.E.N., Manila Diamond Lions Club–Pearl Branch District 301A3 sa pamumuno ni Ms. Windy P. Vasquez, Pamahalaang Panlalawigan ng La Union (PGLU), Ms. Rosalind Advincula, at San Fernando City Police Station.

Layunin ng aktibidad na maghatid ng agarang tulong at serbisyong panlipunan sa komunidad, partikular sa mga bata at pamilyang nangangailangan. Kabilang sa mga isinagawa ang pamamahagi ng school supplies at loot bags, hygiene kits at mga gamot, libreng blood pressure monitoring, gayundin ang feeding program na nagbigay-ginhawa at kasiyahan sa mga benepisyaryo.

Isinagawa ang outreach program bilang pagpapakita ng malasakit at pakikiisa ng kapulisan sa pagtataguyod ng kalusugan at kagalingan ng komunidad, pagsuporta sa edukasyon ng kabataan, at pagpapatibay ng ugnayan sa pagitan ng pulisya at mamamayan. Ang inisyatibang ito ay sumasalamin sa diwa ng sama-samang pananagutan at kooperasyon tungo sa mas ligtas, maayos, at maunlad na pamayanan.

Sa pamamagitan ng patuloy na mga programang pangkomunidad tulad nito, pinagtitibay ng 103rd MC, RMFB1 ang kanilang paninindigan sa mga pangunahing pagpapahalaga ng Philippine National Police—ang serbisyo na may malasakit, integridad, at malasakit sa kapakanan ng mamamayan—na naglalayong palakasin ang tiwala at aktibong pakikipag-ugnayan sa mga komunidad na kanilang pinaglilingkuran.

Source: 103rd Maneuver Company RMFB 1

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *