Saving Lives, One Drop at a Time: Dugo Mo, Buhay Ko!” Bloodletting, muling inilunsad sa Malay, Aklan
Matagumpay na muling inilunsad ang isang Municipal Blood Letting Activity na may temang “Dugo Mo, Buhay Ko!” na ginanap sa Yapak Covered Court, sa bayan ng Malay, Aklan dakong alas 8:00 ng umaga nito lamang January 29, 2026.
Kalahok sa naturang aktibidad ang mga tauhan ng Malay Municipal Police Station sa ilalim ng pamumuno ni PLTCOL ALAIN TERENCE L. LICDAN, COP, kasama ang mga tauhan ng Local Government ng Malay at ang Philippine Red Cross.
Layunin ng aktibidad na patuloy na hikayatin ang publiko na makibahagi sa parehong mga aktibidad upang makatulong pa sa ibang mga nangangailangan sa kani-kanilang mga komunidad.
Itinampok sa aktibidad ang spirit of volunteerism, community engagement, at awareness kaugnay sa kahalagahan ng mga maayos at ligtas na blood donation, kung saan ginagabayab ng mga eksperto ang lahat ng mga nakilahok na mga donor para sa maayos na pagsasagawa ng nasabing programa.
Naging posible ang aktibidad sa pagkakaisa ng Local Government ng Malay, katuwang ang Red Cross, at maging ng Malay MPS para sa pangangalaga ng kalusugan ng bawat isa at sa kaligtasan ng lahat partikular na sa mga indibidwal na lubos na nangangailangan ng mga blood donations.