GMA TV Kapuso Bloodletting Drive, isinikatuparan sa Iloilo City

0
viber_image_2026-02-09_17-22-12-423

Matagumpay na isinakatuparan ang GMA Regional TV Kapuso Bloodletting Drive na ginanap bandang alas 9 ng umaga nito lamang February 6, 2026 sa Ground Floor ng Robinsons Mall, Iloilo City.

Kabilang sa mga nakiisa ang iba’t ibang mga tauhan ng mga ahensya ng pamahalaan partikular na ang nasa 54 personnel mula sa iba’t ibang yunit ng Police Regional Office 6 (PRO6).

Layunin ng aktibidad na magkaroon ng sapat na supply ng dugo sa rehiyon para sa lahat ng mga pasyente at indibidwal na agad na nangangailangan nito.

Higit pa sa simpleng donasyo, ang inisyatiba ay sumisimbolo sa tunay na diwa ng boluntarismo at pagkakaisa para sa mga nangangailangan ng tulong.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *