Mga mag-aaral sa Kaluwayan Elementary School at ilang senior citizen, nakiisa sa Outreach Program sa Samar
Matagumpay na nakiisa sa isinakatuparang Outreach Program ang mga mag-aaral sa Kaluwayan Elementary School kasama ang piling mga senior citizen nito lamang February 20, 2026 sa Brgy. Caluwayan, Marabut, Samar.
Ang naturang outreach program ay pinangunahan ng Police Regional Office 8 (PRO-8), sa ilalim ng pamumuno ni PBGEN JASON L CAPOY, Regional Director, sa pamamagitan ng Regional Community Affairs and Development Division na pinangunahan naman ni PCOL JENNIFER R SUMPO.

Nakiisa rin ang mga kinatawan ng Department of Migrant Workers na nirepresenta ni Atty. Michelle B. Basal, Chief of Labor and Employment, kasama ang Samar Police Provincial Office, Basey Municipal Police Station at Marabut Municipal Police Station.
Kasabay ng aktibidad tumanggap ng mga foods packs at mahahalagang school supplies ang nasa 35 daycare pupils ng nasabing paaralan. Habang tumanggap naman ang nasa 42 senior citizens sa parehong barangay ng mga hygiene kits at food supplies.

Samantala, tumanggap naman ang isang person with disability (PWD) ng hiwalay na food pack, groceries, at kalahating sako ng bigas mula sa grupo.