RAKPUBLIKA 2026 Coordinating Meeting, isinagawa ng Malolos PNP kasama ang ASG at Force Multipliers
Pinangunahan ni PMaj Edgardo F Tongol, Deputy Chief of Police, sa ilalim ng direktiba ni PLtCol Rommel E Geneblazo, Chief of Police, ang coordination meeting kasama ang Salaam Police Advocacy Group SPAG at mga Force Multipliers kaugnay sa isasagawang deployment para sa nalalapit na isang dekadang pagdiriwang ng RAKPUBLIKA 2026 nong Pebrero 19, 2026 sa Malolos CPS Conference Room, Malolos City, Bulacan.
Layunin ng aktibidad na ito na pigilan at maiwasan ang anumang krimen na maaaring maganap sa panahon ng pagdaraos ng selebrasyon.
Sa pagtutulungan ng Malolos PNP, SPAG, mga Force Multipliers, at ng Lokal na Pamahalaan ng Lungsod ng Malolos, isasagawa ang komprehensibong plano sa seguridad upang matiyak ang kaayusan, kaligtasan, at kapayapaan ng lahat ng kalahok at manonood sa buong oras ng kasiyahan.
Hinihikayat din ang lahat na makiisa at agad iulat ang anumang kahina-hinalang gawain sa mga awtoridad.