Libreng Alagad ug Balay Project, muling umarangkada sa Dauis, Bohol

0
viber_image_2026-02-26_11-33-52-370

Muling unarangkada ang ika-106 na Project Lab o Libreng Alagad ug Balay sa Barangay Poblacion, Dauis, Bohol nito lamang February 24, 2026.

Ang nasabing proyekto ay inihandog kay Tatay Tirso Cilocilo isang 78 years old at pang 106 benepisyaryo ng nasabing programa.

Naging posible ang LAB Project sa pangunguna ng Bohol Police Provincial Office katuwang ang sina Governor Erico Aristotle Aumentado at Congresswoman Vanessa Aumentado-na personal na nagbigay ng pondo sa ilalim ng kanilang advokasiya namang “Balay sa Paglaum”.

Si Tatay Tirso ay isa umanong tindero na nagbebenta ng mga chicharon at tinapay gamit ang kanyang bike.

Ngunit noong nanalasa ang Bagyong Odette, nabagsakan ng puno ang kanyang bahay dahilan ng lubos na pagkasira nito.

Sa pamamagitan ng LAB Project sa tulong ni Governor Erico Aristotle Aumentado at Congresswoman Vanessa Aumentado nagkaroon ng bagong pag-asa si Tatay Tirso.

Naging posible rin ang pagturn-over ng naturang proyekto sa patuloy na suport ng mga tauhan ng Municipality of Dauis, sa pangunguna ni Honorable Mayor, kasama ang Dauis Municipal Police Station, sa pamumuno ni PCPT DENNIS N SERAGON; Poblacion Barangay Council, sa pamumuno naman ng Chairman na si Ramiro S. Cimafranca Jr., at maging si PLTCOL JOSEPH P BERONDO, Chief, PCADU, BPPO.

“We see lives change through this purposeful project, and we cannot wait to see more futures transformed for the better. In collaboration with our stakeholders and ardent partners, the Bohol Police Provincial Office commits to being more than just bearers of peace, we strive to be an illuminating torch of hope,” saad pa ni In his message, PCOL PATRICIO C DEGAY JR., Provincial Director ng Bohol PPO.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *