Pagpupulong ng Pandi MPS at Pandi Municipal Advisory Council, isinagawa

0
643459273_959222306611474_272069299389509097_n

Noong Pebrero 27, 2026, mula alas-9:00 ng umaga, ang mga tauhan ng Pandi MPS, sa pamumuno ni PLTCOL SEAN C LOGRONIO, ACOP, kasama ang mga meyembro ng Pandi Municipal Advisory Council, ay nagsagawa ng kanilang buwanang pagpupulong na ginanap sa Zillvana Cafe and Resto Bar, Barangay Poblacion, Pandi, Bulacan.

Ang pagpupulong ay naglayong mapag-usapan ang mga mahahalagang usapin at plano para sa mas pinaigting na seguridad at kaayusan sa ating komunidad.

Patuloy ang pagtutulungan ng ating lokal na pamahalaan at mga ahensya para sa ikabubuti ng Pandi.

Source: Pandi Pulisya

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *