Rotary Club ng Dumaguete South, nagdonate ng Medisina at mga bitamina sa NOrPPO

0
viber_image_2026-03-17_13-21-10-137

Nagdonate ng medisina at bitamina ang mga kasapi ng Rotary Club ng Dumaguete South para sa mga tauhan ng Negros Oriental Police Provincial Office (NOrPPO) bilang bahagi sa kanilang community outreach activities nito lamang March 16, 2026.

Ang nasabing donasyon ay mainit na tinanggap ni PLTCOL RONOEL G FUNGO, DPDA, kasama sina PLTCOL SONNY LB SILVA, Chief PCADU; PLTCOL NERITO S LOBRIDO, Chief PARMU; at PCPT REX S DELA CRUZ, Team Leader, NOPMDT, sa PCADU Office dakong alas 10:00 ng umaga ng nasabing araw.

Lubos na nagpasalamat ang NOrPPO sa tulong at suporta ng Rotary Club of Dumaguete South
na tiyak na makakatulong sa ating pulisya para sa pagkakaroon ng maayos at malusog na hanay na handang magpatupad ng batas sa lahat ng panahon.

Hindi lamang ito simpleng tulong kundi matibay na ugnayan sa pagitan ng komunidad at mga stakeholders kasama ang pulisya para sa iisang hangarin ang magkaroon ng maayos at ligtas na komunidad na malayo sa mga negatibong epekto ng krimen at iligal na mga aktibidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *