Community Outreach at Info Caravan, inilunsad sa Virac, Catanduanes
Muling inilunsad ang isang Community Outreach at Info Caravan ng mga awtoridad nito lamang March 29, 2026 na ginanap sa Catanduanes World War II Memorial Fountain (Freedom Park), Barangay Sta. Cruz, Virac, Catanduanes.

Ang programa ay pinangunahan ng Catanduanes Police Provincial Office (CatPPO), sa ilalim ng pamumuno ni PCOL ELMER R CERENO, Provincial Director na tinaguriang “Strengthening Police-Community Partnership: CATPPO Outreach Program,” na may temang: “Pagpapalakas ng Ugnayan ng Pulisya at Komunidad: Serbisyong Tapat at Dekalidad, Daan sa Pag-abot ng Payapa at Ligtas na Bagong Pilipinas.”

Kabilang sa mga nakiisa sa aktibidad ang Bureau of Fire Protection, Bureau of Jail Management, Local Government Units kasama ang ilang miyembro ng komunidad.
Samantala, kabilang naman sa mga serbisyo na inihatid ng mga awtoridad ang mga programang may kaugnayan sa physical wellness at public awareness. Gaya na lamang ng Zumba session at Information Caravan na nakapokus sa pagbibigay kaalaman sa mga residente kaugnay sa pag-iwas sa krimen at pagkakaroon ng mga proactive public safety measures upang maagapan ang anumang uri ng insidente.

Nagbahagi rin ang grupo ng kaalaman kaugnay sa Urban Gardening sa pamamagitan naman ng mga tauhan ng local agricultural offices na siyang nagturo sa mga kalahok upang magkaroon ng sapat na supply ng masustansiyang pagkain sa kanilang mga tahanan.