Ilocos Norte PPO at MMMH & MC, nagkaisa sa bloodletting activity sa Laoag City
Isinagawa ng Ilocos Norte Police Provincial Office ang isang makabuluhang bloodletting activity bilang bahagi ng Oplan Matthew 5:9 noong Marso 29, 2026 sa Aurora Freedom Park. Pinangunahan ito ni PCol Joemar Q Labiano, katuwang ang Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center – National Voluntary Blood Services Program, na naglalayong palakasin ang boluntaryong donasyon ng dugo sa lalawigan.
Ipinakita sa nasabing aktibidad ang matibay na ugnayan ng kapulisan at sector upang maghatid ng serbisyong may malasakit sa komunidad. Sa pamamagitan ng pagtutulungan, mas napalawak ang abot ng kampanya sa blood donation at napalakas ang kamalayan ng publiko hinggil sa kahalagahan nito.
Ang partnership na ito ay hindi lamang tumutugon sa agarang pangangailangan ng suplay ng dugo, kundi nagsisilbi ring inspirasyon sa iba pang ahensya at mamamayan na makiisa sa mga gawaing makatao.
Sa pagpapatuloy ng mga ganitong inisyatiba, inaasahang higit pang mapagtitibay ang ugnayan ng PNP at ng komunidad tungo sa isang mas ligtas at may malasakit na lipunan.
Source: Ilocos Norte PPO