BPATs, kaagapay sa pangangalaga ng kalikasan
Nagsagawa ng tree planting activity ang mga kasapi ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPATs) katuwang ang mga Barangay Officials ng Brgy. Macabato at ang 2nd La Union PMFC sa Aringay, La Union noong Abril 9, 2026.

Layunin ng aktibidad na mapalawak ang kamalayan ng komunidad sa kahalagahan ng pangangalaga sa kalikasan at pagpapanatili ng likas na yaman. Sama-samang nagtanim ng mga punla ang mga kalahok bilang simbolo ng pagkakaisa at malasakit sa kapaligiran.

Hinihikayat ang publiko na makiisa sa mga ganitong programa upang mapanatili ang malinis, ligtas, at luntiang pamayanan para sa susunod na henerasyon.
Panulat ni Manlalakbay
Source: 2nd PMFC La Union