Information Awareness Lecture, isinagawa sa Glan, Sarangani Province

0
460471936_519503724127692_9204428253403653315_n

Nakiisa ang mga 4P’s beneficiaries sa isinagawang Information Awareness lecture ng mga tauhan ng Glan Municipal Police Station sa Brgy Baliton, Glan, Sarangani Province noong ika-1 October 2024.

Matagumpay ang naging aktibidad sa ilalim ng pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Jovensom B Bayona, Chief of Police ng nasabing istasyon. Tinalakay ng mga kapulisan sa nasabing aktibidad ang mga mahahalagang paksa tulad ng RA 8353 (Anti-Rape Law), RA 11596 (Special Protection of Children in Situations of Armed Conflict), RA 9262 (Anti-Violence Against Women and Their Children Act).

Ang aktibidad ay isinagawa sa pakikipagtulungan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng Glan, na nagpatibay sa layunin ng seminar na ito na magbigay ng edukasyon at impormasyon sa mga benepisyaryo ng 4P’s.

Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng mga ahensya ng pamahalaan, nagkaroon ng mas malalim na pag-unawa ang mga kalahok sa mga batas na may direktang epekto sa kanilang buhay at komunidad. Nagkaroon ng pagkakataon ang mga kalahok na magtanong at makipagpalitan ng mga ideya, na nagpatibay sa kanilang ugnayan sa isa’t isa at sa mga ahensya ng gobyerno.

Ang Glan MPS ay patuloy na magsasagawa ng mga ganitong aktibidad upang mas mapalakas ang kaalaman at seguridad ng mga mamamayan sa kanilang nasasakupan. Panulat ni Arcy

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *