Parent Effectiveness Seminar, isinagawa sa Bohol
Aktibong nakiisa ang mga magulang sa Effectiveness Seminar na ginanap sa Brgy. Poblacion, Candijay, Bohol noong ika-4 ng Oktubre 2024.


Ang nasabing aktibiday ay pinangunahan ng Candijay MPS sa pamumuno ni Police Captain Albert R Sator. Tinalakay sa aktibidad ang mga mahahalagang isyu tulad ng Anti-Rape, Anti-VAWC (Violence Against Women and Children), at Anti-Child Abuse na patuloy na nakakaapekto sa mga pamilyang Pilipino.
Ang mga hakbang na ito ay ipinapatupad na sumasalamin sa mas malaking layunin ng Bagong Pilipinas na itaguyod ang isang ligtas at mas makataong lipunan.