Anti-Bullying and Gangterism Symposium isinagawa sa Manikling National high School
Isinagawa ang Anti-Bullying and Gangterism Symposium para sa mga mag-aaral ng Manikling National High School ng San Isidro, Davao Oriental nito lamang Oktubre 7, 2024.
Komprehensibong tinalakay rito ng mga tauhan ng San Isidro Municipal Police Station sa pangunguna ni Police Master Sergeant Jobisandra L Cajegas, PCR PNCO, ang legal ba implikasyon kaugnay ng bullying at gangsterism at kung ano ang puno’t-dulo ng mga ito.
Binigyan-diin rin nito ang mga hakbang kung paano ang mga ito maiiwasan. Layunin ng kaganapang ito na turuan ang mga estudyante tungkol sa mga panganib ng mga ganitong asal, itaguyod ang isang ligtas at inklusibong kapaligiran sa paaralan, at bigyang-kapangyarihan sila na lumaban sa bullying at mga aktibidad na may kaugnayan sa gang kung kaya naman ay hinihikayat din ng San Isidro Municipal Police Station ang mga estudyante na i-report ang anumang insidente ng bullying o mga aktibidad na may kaugnayan sa gang sa mga awtoridad ng paaralan o sa mga opisyal ng batas.