Pagpapalawak ng kaalaman laban sa krimen at karahasan isinagawa sa mga mag aaral ng Dumpilas Elementary School Matagumpay na naisagawa ang isang information drive sa pamamagitan ng lektura sa mga mag-aaral ng Dumpilas Elementary School, Barangay Dumpilas, Siayan, Zamboanga del Norte noong Lunes, ika-7 ng Oktubre, 2024.
Ang aktibidad na ito ay ininsyatibo ng Lokal na Pamahalaan ng Siayan at mga guro nasabing paaralan katuwang ang mga tauhan ng Siayan Municipal Police Station ang pagtuturo ukol sa walong focus crimes, Republic Act 9262 (Anti-Violence Against Women and Their Children Act), Republic Act 7610 (Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act), ilegal na droga, Anti-Rape Law, at Sexual Abuse.
Ang layunin ng aktibidad ay bigyan ng tamang kaalaman ang mga mag-aaral tungkol sa mga batas na nagpoprotekta sa kanila at sa kanilang komunidad laban sa iba’t ibang uri ng karahasan at krimen.