KKDAT, nakiisa sa proyektong “Gulayan sa Barangay” sa Nueva Ecija

Patuloy ang aktibong pakikiisa at pagtulong ng mga miyembro Kabataan, Kontra Droga, at Terorismo, (KKDAT) sa isinagawang “Gulayan sa Barangay” na ginanap sa Barangay Piut, Carranglan, Nueva Ecija nito lamang Miyerkules ika-9 ng Oktubre 2024. Matagumpay ang naturang aktibidad sa ilalim ng programang Revitalized-Pulis sa Barangay (R-PSB), pinangunahan ng R-PSB Team na pinamumunuan ni Police Captain Pepe H Alindayo Jr., Platoon Leader sa direktang pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Early C Bitog, Force Commander ng Nueva Ecija 2nd Provincial Mobile Force Company at sa pakikipagtulungan ng lokal na residente ng nasabing lugar.

Nagkaisa ang bawat indibidwal sa pagbubungkal ng lupa at pagtatanim ng mga iba’t ibang gulay upang madagdagan ang produksyon ng sariwang pagkain na nagbibigay ng sapat na nutrisyon na kinakailangan ng katawan.

Patuloy naman ang paghikayat ng Pambansang Pulisya sa publiko na makiisa sa ganitong aktibidad upang mapanatili ang kagandahan, kaayusan, kaunlaran at kaginhawaan sa ating bansa alinsunod sa adhikain ng ating mahal na pangulo para sa mas maayos at ligtas sa “Bagong Pilipinas”.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *