Local Advocacy Groups, nakiisa sa Blood Letting Activity sa Negros Occidental

Matagumpay na naisagawa ang dalawang araw na blood donation campaign na inorganisa ng Technological University of the Philippines-Visayas (TUP-Visayas), RMN Bacolod, Barangay Zone 12, LGU ng Talisay City, at kapulisan ng Negros Occidental na ginanap sa Technological University of the Philippines (TUP)-Visayas, Talisay City nito lamang Oktubre 9-10, 2024.

Ang naturang aktibidad ay may temang “Dugo Mo, Kabuhi Ko” na naglalayung makalikom ng dugo upang makatulong sa mga pasyenteng nangangailangan at mapalawak ang reserba ng dugo sa mga ospital.

Malaking tulong ang bawat patak ng dugo upang mailigtas ang buhay ng mga pasyente na may malubhang karamdaman, lalo na sa panahon ng mga emergency at sakuna.

Ang matagumpay na kampanyang ito ay isang patunay ng pagkakaisa at malasakit ng iba’t ibang sektor ng komunidad sa Talisay City at sa buong Negros Occidental.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *