Force Multiplier, nakiisa sa Symposium Activity sa Cebu
Aktibong nakiisa ang mga miyembro ng Force Multiplier sa Symposium Activity na pinangunahan ng Barili MPS na ginanap sa Campangga, Barili, Cebu noong ika-9 ng Oktubre 2024.
Tinalakay sa aktibidad ang mga mahahalagang bahagi ng R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, na naglalayong labanan ang iligal na droga sa bansa, mga hakbang tungo sa pagkakaroon ng Drug-Free Workplace upang masiguro ang kaligtasan at kaayusan sa mga lugar ng trabaho.
Bahagi rin sa talakayan ang iba’t ibang batas na nagbibigay proteksyon sa kababaihan at kabataan tulad ng RA 9262, RA 8353, RA 7610, RA 9344, at RA 11313, na nagpapakita ng malasakit ng pamahalaan sa sektor na ito.
Sa pagsasagawa ng mga programang ito, makakamtan ang mas aktibong pakikilahok ng bawat mamamayan sa pagsugpo ng krimen at iligal na droga, bilang bahagi ng mas malawak na layunin ng Bagong Pilipinas na magkaroon ng matiwasay na pamumuhay para sa lahat.