Anti-Criminality Awareness Campaign, nilahukan ng Barangay Based Support Group

0
462544389_1235310827556627_5190111078421076581_n

Aktibong nilahukan ng Barangay Based Support Group ang isinagawang Anti-Criminality Awareness Campaign Lecture sa Brgy. Palahanan I, San Juan, Batangas nito lamang Oktubre 11, 2024.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng San Juan MPS sa pamumuno ni PLtCol Rommel D Sobrido, Officer in Charge, kasama ang mga aktibong miyembro ng Barangay Based Support Group at Barangay Officials ng Brgy. Palahanan I.

Tinalakay sa aktibidad ang pagpapatupad ng Ilegal drug campaign ng gobyerno, Wanted Person, Loose Firearms, Pulis sa Barangay (PSB), Anti-Illegal Drugs, EO70 “NTF-ELCAC” at Mobilization ng Barangay Anti-Drug Abuse Council, Project L.U.K.A.S ng PRO 4A.

Layunin ng pagtitipon na bigyang sapat na kaalaman ang mga katuwang ng ating pamahalaan sa pagpapatupad ng kaayusan at kapayapaan ng ating bansa nang sa gayon ay matupad ang mithiin ng bawat Pilipino na magkaroon ng isang maunlad na Bagong Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *