2nd Semester Barangay Assembly, idinaos sa Tanza

Nakiisa ang mga Advocacy Support Group sa isinagawang Second Semester Barangay Assembly na may tema “Talakayan sa Barangay: Aktibong Diskusyon ng Pamayanan Tungo sa Masigla at Maunlad na Bagong Pilipinas” sa Covered Court Barangay Juluga III, Tanza, Cavite nito lamang Linggo, Oktubre 13, 2024.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng Barangay Officials sa pangunguna ni Hon. Marvin Pulido, Chairperson at dinaluhan ni PSMS Annaliza P Flores, bilang panauhing pandangal sa direktang pangangasiwa ni PLtCol Willy B Salazar, Acting Chief ng Tanza Municipal Police Station, kasama ang mga SK Officials, BPATs, Cluster Leaders at mga residente ng Barangay Julugan III. Tinalakay ang patungkol sa BIDA- Drug Awareness, Violence Against Women and their Children o VAWC, Anti- Illegal Drugs, Anti- Illegal Gambling campaigns at Crime Prevention Tips on 8 Focus Crime.

Naging matagumpay ang aktibidad at labis ang pasasalamat ng mga dumalo sa mga impormasyon na ibinahagi na tiyak na makakatulong sa kanila.

Ang aktibidad ay isang paraan ng ating gobyerno upang labanan ang kriminalidad at pagpapataas ng kamalayan ng mga mamamayan sa iba’t ibang krimen na nangyayari sa lipunan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *