Sangguniang Kabataan, aktibong nakilahok sa Talakayan

Aktibong nakilahok ang mga Sangguniang Kabataan sa isinagawang talakayan at dayalogo ng mga tauhan ng tauhan ng Gabaldon Municipal Police Station sa Barangay Assembly ng Barangay Calabasa, Gabaldon, Nueva Ecija, nito lamang Sabado, ika-12 ng Oktubre 2024.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Lieutenant Arnel L Ulsa, Deputy Chief of Police, sa ilalim ng pamamahala ni Police Major Rey Ian Dr Agliam, Chief of Police, kasama ang mga residente, miyembro ng Sangguniang Barangay, at Sangguniang Kabataan ng naturang Barangay.

Tinalakay dito ang ilang mahahalagang isyu ng komunidad, kabilang na ang Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP), Executive Order 70 o ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), at ang “Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan” (BIDA) Program.

Ito ay may layuning palakasin ang kooperasyon sa pagitan ng kapulisan at mga lokal na pinuno sa pagtugon sa mga isyu ng kapayapaan, kaayusan, at kaunlaran ng barangay.

Bahagi rin ito ng patuloy na pagsisikap ng Nueva Ecija PNP na magbigay ng kamalayan sa mga inisyatiba ng pamahalaan na nakatuon sa kapayapaan at seguridad ng bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *