BPATs, nakilahok sa Barangay Assembly Day
Aktibong lumahok ang Barangay Peacekeeping Action Team ng Barangay Otucan Norte sa Barangay Assembly na ginanap sa Barangay Otucan Norte, Bauko, Mountain Province noong ika-13 ng Oktubre 2024.
Ang aktibidad na may temang “Talakayan sa Barangay Aktibong Diskusyon ng Pamayanan Tungo sa Masigla at Maunlad na Bagong Pilipinas” ay pinangunahan ng 1st Mountain Province Provincial Mobile Force Company.
Tampok sa aktibidad ang pagkakaroon ng makabuluhang lektura tungkol sa kampanya laban sa terorismo, Project Binnaga o kamalayan sa seguridad laban sa Counter Terrorist Groups at benepisyo sa ilalim ng E-CLIP o Enhanced Comprehensive Local Integration Program ng pamahalaan.
Nagsagawa ng lecture tungkol sa anti-illegal drugs bilang suporta sa kampanya sa programang BIDA (Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan).
Layunin nitong imulat sa mga mamamayan kung paano nakakaapekto ang terorismo sa seguridad at humahadlang sa kapayapaan at pag-unlad ng komunidad.