Advocacy Support Group, nakiisa sa Symposium Activity sa NegOr
Aktibong nakiisa ang mga miyembro ng Advocacy Support Group sa Symposium Activity na ginanap sa Barangay Casala-an, Siaton, Negros Oriental noong ika-14 ng Oktubre 2024.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng Siaton MPS sa pamumuno ni Police Major Marve D Bolag-og, OIC, sa tulong ng 11th IB, PA, Siaton Municipal Police Station, Department of Agriculture, at mga opisyal ng Barangay Casala-an.
Binigyan pansin ang mga programa ng Negros Oriental Task Force-Elcac, terorismo, kriminalidad, at ang Republic Act 9262 na tumutukoy sa karapatan ng kababaihan at kanilang proteksyon.
Ang pagtitipon na ito ay sumasalamin sa adhikain ng “Bagong Pilipinas,” isang gobyernong determinadong bigyan ng proteksyon at suporta ang bawat mamamayan.
Sa tulong ng mga proyektong gaya nito, hindi lamang pinag-iibayo ang kaligtasan kundi binibigyan din ng pagkakataon ang mga komunidad na umasenso, tungo sa isang bagong yugto ng mas maunlad at mapayapang Pilipinas.