BIDA-Zumba Kontra Ilegal na Droga, idinaos sa Tanza, Cavite
Nagsagawa ng BIDA-Zumba Kontra Ilegal na Droga ang mga Advocacy Support Group na ginanap sa SM Tanza, Barangay Daang Amaya 1, Tanza, Cavite nito lamang Martes, ika-15 ng Oktubre 2024.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng mga miyembro ng Women Sector, Kabataan Kontra Ilegal na Droga at Terorismo (KKDAT), kasama ang mga tauhan ng Tanza Municipal Police Station.
Layunin ng aktibidad na mamulat ang mga kabataan at mga kababaihan sa tunay na pagkakaisa upang sama-samang isakatuparan ang implementasyon sa BIDA program.
Sa pamamagitan nito, madaling maisulong ang naturang programa sapagkat ang pagkakaisa ang daan upang mapagtagumpayan ang kaayusan at kapayapaan ng ating bansa.