Advocacy Group, nakiisa sa Outreach Program sa Iloilo

Nakiisa ang mga kasapi ng Local Advocacy Group sa Outreach Program na CABALAKA na ginanap sa Barangay Inaladan, Cabatuan, Iloilo, nito lamang ika-15 ng Oktubre 2024. Ang CABALAKA o “CABAtuan Laban sa KAhirapan” program, ay inisyatiba ng Cabatuan Municipal Police Statio na may pangunahing layunin na labanan ang kahirapan sa pamamagitan ng edukasyon at pagbibigay ng tamang impormasyon sa mga residente ng barangay.

Kaiisa ng grupo anv iba’t ibang sektor at lokal na pamahalaan ng Cabatuan upang maging mas epektibo at konkreto, kabilang ang Rural Health Unit (RHU), Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), Civil Registry, Department of Agriculture, at iba pa.

Parte ng aktibidad ang pagbibigay kamalayan tungkol sa ilegal na droga, terorismo, pagdadala ng ilegal na armas, at pagbibigay halaga sa pagpapatupad ng mga lokal na ordinansa sa munisipalidad ng Cabatuan.

Ang pagsisikap na ito ay nagpapakita ng tunay na diwa ng serbisyong publiko, kung saan ang bawat sektor ay nagtutulungan para sa ikabubuti ng bawat Cabatuanon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *