Women’s Sector, nakilahok sa Livelihood Training Program ng Bataan PNP
Aktibong lumahok ang mga miyembro ng Women’s Organization at mga residente ng Brgy. Pandatung, Hermosa, Bataan sa Livelihood Training Program na may temang “Dishwashing Liquid Making” nito lamang Biyernes, ika-18 ng Oktubre 2024.
Ang naturang aktibidad ay pinamunuan ni Police Lieutenant Colonel Joelito R Orias, Force Commander ng Bataan 1st Provincial Mobile Force Company.
Ibinahagi sa natural aktibidad ang proseso ng paggawa ng dishwashing liquid na maaaring magamit para sa kanilang kabuhayan o pagnenegosyo, na makatutulong sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan. Lubos naman ang tuwa ng mga kalahok sa bagong kaalaman at karanasang natutunan nila, na nagbibigay ng oportunidad upang mapabuti ang kanilang kabuhayan.
Ang Pambansang Pulisya ng Pilipinas ay patuloy na nagsasagawa ng mga ganitong aktibidad upang palakasin ang ugnayan ng komunidad at magbigay ng suporta sa kabuhayan ng mga mamamayan. Ito ay alinsunod sa layunin ng kasalukuyang administrasyon na isulong ang isang maunlad at masaganang Bagong Pilipinas.