Force Multiplier, nakiisa sa Community Defense Unit Training sa Negros Oriental

Aktibong nakiisa ang mga miyembro ng Force Multiplier sa Community Defense Unit Training na ginanap sa Barangay Bago, Tayasan, Negros Oriental, noong ika-28 ng Oktubre 2024.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng 94th IB 3rd ID, lumahok din ang mga tauhan ng Tayasan Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Captain Mac Millard G Milan, Officer-in-Charge.

Ang nasabing aktibidad ay isang mahalagang hakbang tungo sa paglaban sa insurgency at iba’t ibang uri ng kriminalidad sa lugar.

Sa pagtutulungan ng mga kawani ng barangay, pulisya, at militar, natutugunan ang layunin ng programang ito na mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng komunidad.

Bahagi ito ng mga hakbang upang palakasin ang kakayahan ng mga lokal na pamahalaan na protektahan ang kanilang nasasakupan.

Sa patuloy na pagtutulungan ng iba’t ibang sektor, kabilang ang barangay at pulisya, tiwala ang PNP na makakamit ang isang mas ligtas at mapayapang bayan para sa mga kabataan at buong komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *