Ugnayang sa Siguradong Serbisyo Alay sa Pambarangay, isinagawa sa Camarines Norte
Isinagawa ang Ugnayan sa Siguradong Serbisyo Alay sa Pambarangay (USSAP) na dinaluhan ng mga residente mula sa Barangay Capalonga noong ika-28 ng Oktubre 2024.
Sa pangunguna ni Hon. Ricarte R. Padilla, Provincial Government ng Camarines Norte, nakilahok ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno, kabilang ang mga tauhan ng PNP, upang maghatid ng mga serbisyong kinakailangan ng mga mamamayan.
Ang layunin ng USSAP ay magbigay ng mahahalagang serbisyong medikal at dental, pati na rin ang iba pang uri ng serbisyo na nakatutulong sa komunidad.
Sa ganitong paraan, nais ng pamahalaan na mas mapabuti ang kalagayan ng mga residente at mapalakas ang kanilang access sa mga pangunahing pangangailangan.
Ang aktibidad ay isang pagkakataon para sa mga residente na makakuha ng libreng serbisyong pangkalusugan at makipag-ugnayan sa mga ahensyang handang tumulong, na nagbigay-diin sa kahalagahan ng ugnayan sa pagitan ng pamahalaan at ng mga mamamayan.