Maa National High School, nakilahok sa Anti-Bullying and Anti-Illegal Drugs Campaign

Nagsilbing tagapakinig ang mga mag-aaral ng Maa National High School sa isinagawang lecture ng mga tauhan ng Maa Police Station at kinatawan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) bilang bahagi ng Anti-Bullying and Anti-Illegal Drugs Campaign nito lamang Oktubre 29, 2024.

Kabilang sa mga batas na tinalakay dito ang Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Republic Act 10627 o Anti-Bullying Act.

Tinalakay din ang mga hakbang upang maiwasan ang pag-abuso sa ilegal na droga at ang pagiging biktima ng bullying o anumang uri ng pang-aabuso mula sa mga kapwa estudyante.

Ang aktibidad na ito ay kaugnay ng PNP Oplan “Bisita Eskwela-I am Strong” (BES), na naglalayong hubugin at impluwensyahan ang mga estudyante na maging “STRONG” (Smart, Talented, Responsible, Obedient, Nice, God-Fearing) at makabuo ng aktibong suporta para sa kampanya ng PNP laban sa kriminalidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *