Serbisyo Caravan, isinagawa ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan

Nagsagawa ng serbisyo caravan ang Pamahalaang Lungsod ng Calapan sa mga residente ng Brgy. Sapul na ginanap sa N Aboboto Elementary School, Calapan City nito lamang ika-26 ng Nobyembre 2024.

Ang naturang aktibidad ay naisakatuparan sa pagtutulungan ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan katuwang ang ilang mga National Government Agency.

Nakiisa rin ang mga kapulisan ng Calapan City Police Station at Regional Police Community Affairs and Development Unit MIMAROPA.

Kabilang sa hatid na serbisyo ng gobyerno ang medical consultations, civil registry assessments, PSA, SSS, at PhilHealth registration, at marami pang iba.

Dito ay binigyan ng pagkakataon ang sectoral representatives at ang mga opisyal ng Sangguniang Barangay na maging bahagi ng pagpupulong, upang talakayin ang mga mahahalagang bagay na may kaugnayan sa barangay, na dapat bigyang pansin at pag-usapan.

Layunin ng aktibidad na bigyang diin ang kahalagahan ng kaganapan na naglalayong magkaisa ang pagsisikap ng iba’t ibang ahensya sa pagdadala ng mga pangunahing serbisyo ng pamahalaan nang direkta sa mga tao para sa pagkamit ng isang progresibong komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *