KKDAT- Mountain Province Chapter, nakilahok sa Gift-giving Activity

Aktibong nakilahok ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) Mountain Province Chapter sa isinagawang gift-giving activity na ginanap sa Dalican Elementary School, Dalican, Bontoc, Mountain Province noong ika- 20 ng Disyembre 2024.

Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng mga Inayan Cops sa Mountain Province sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Colonel Ferdinand Oydoc, Provincial Director ng Mountain Province Police Provincial Office katuwang ang mga local at foreign stakeholders.

Highlight ng aktibidad ang pagbibigay ng mga regalo sa 106 na mag-aaral ng Dalican Elementary School kung saan ito’y nakapagbigay ng ngiti sa bawat mukha ng mga bata dahil sa mga regalong natanggap tulad ng bags, sapatos, damit, gamit panlaro, gamit sa paaralan, at iba pa.

Nagpahayag naman ng pasasalamat ang mga mag-aaral, mga magulang, at mga guro ng Dalican Elementary School dahil sa mga biyayang natanggap.

Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng layunin ng kapulisan katuwang ang mga Force Multipliers na tumulong at magbigay ng suporta lalo na sa mga taong nangangailangan, mas paigtingin pa ang ugnayan ng komunidad at ng kapulisan, at maipadama ang diwa ng Kapaskuhan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *